Top 5 Network Marketing Tips for Newbies
- gentzbergonia
- Jul 6, 2017
- 4 min read
Bago ka lang ba sa Network Marketing?
Oh posibleng matagal ka na pero hindi pa din malinaw sayo ang ginagawa mo, kumbaga wala ka pa ding clear destination sa negosyo mo.
I will give you 5 Network Marketing tips para magkaron ka ng clarity dyan sa business mo na makakatulong sayo para gawin ng tama at makapagboost ng income sales sa business mo.
1. Educate Yourself

Let's face it, kailangan mong aralin ang negosyong pinasok mo. Mahirap maishare ang isang bagay na hindi mo alam. One of the best thing na pwede mo gawin ay bigyan mo ng oras ang sarili mo na alamin ang lahat ng bagay tungkol negosyo mo. Halos lahat ng naengage sa Network marketing ay walang alam totally sa pagnenegosyo dahil hindi naman tayo lumaki at tinuruan ng mga magulang natin pano magnegosyo.
One reason kung bakit madami ang nagfailed sa network marketing ay walang silang alam sa kung ano meron sa pinasok nila. Sumusugod sila sa gera ng wala man lang dalang bala. Kaya pag may nagtanong ng "Networking ba yan?" hindi na nila alam ang isasagot nila. Do you think sasali sya?
Marami ng paraan para maaral mo sya. Pwede ka umattend ng trainings, manood ng mga videos sa internet or pwede ka magpamentor sa upline mo. Ang katotohanan ay hindi ang pera na nilabas mo ang puhunan mo dito kundi ang oras na igugugol mo para maaral mo sya ng lubusan.
Honestly, kahit ano pang career ang pasukin mo kelngan mo talaga syang aralin. Sa una lang sya mahirap ngunit kung araw araw mo syang gagawin magugulat ka dahil papasok sya sa sistema mo at unti unti na syang dadali.
"Every Master was Once a Beginner"
2. Find A Mentor

Mentor na magtuturo sayo ng tamang daan para mas mapabilis mo makuha ang gusto mong resulta. Eto yung taong gusto mo maging ikaw balang araw. Kung ano ang meron sya ngayon ay maari nyang maishare sayo kung paano nya nakuha ang mga bagay na iyon.
Bago nila makuha kung anuman meron silang resulta sa negosyong ginagalawan nyo for sure may mga pinagdaanan yang hirap at failures. Yun ang mga bagay na maari mo ipa share sa knila para hindi mo na masyado maexperience ang mga pagkakamli nila. Kumbaga plantyado na ang daan na tatahakin mo sa pagkuha ng pangarap mo.
Pwedeng sila ay ang upline mo. Wag ka mhiya mag pamentor dahil gustong gusto din nila ishare sayo ang nalalaman nila. Kung wala ka namang upline, pwede ka manood ng mga motivational speech sa internet at gayahin mo ang ginagawa nila. Or hanap ka ng successful na network marketer at willing yan sila magshare sayo.
3. Get Out from your Comfort Zone

"If you want something you've never had, then you've got to do something you've never done"
Network Marketing is about relationship. Kailngan mo makapag build ng relationship sa ibang tao through talking to them, listening and sharing with them. Walang yumaman na mahiyain. Marami ang nagsasabi hindi para sa knila to dahil hindi sila magaling magsalita or di sila magaling mangumbinse or magbenta. Thats the reason kung bakit madaming tao ay nagsesettle lang sa kung ano meron sila. Ayaw nila iexplore ang mga bagay na di pa nila nasusubukan. Sinasabi kagad nila na mhirap pero di pa naman nila nasusubukan.
Sa una mahihiya ka talaga dahil need mo daanan ang process. Pero habang natututunan mo sya it will come naturally. At naniniwala ako na habang kumakapal ang bulsa, kumakapal ang mukha :)
Always push yourself out of your comfort zone dahil ang magagandang bagay nasa labas. Ang tao likas na ayaw na nahihirapan pero walang magbabago sa buhay mo kung hahayaan mo daigin ka ng takot mo.
4. Be Passionate

Walang naging successful sa kahit anumang larangan kung di nya gusto ang ginagawa nya. Always look kung saan ka magiging masaya. Kung nahihirapan ka sa ginagawa mo ngayon dahil yun ang tinuro sayo na gawin mo like flyering, house party presentation, direct selling etc etc.. Ask yourself ano ba ang komportable sa akin? Marami ng paraan pano makakapag invite or makakausap ng ibang tao. Andyan ang internet marketing na pwede mo magamit.
Dapat mavisualize mo ang mangyayari sayo kapag ginawa mo sya. Yun ang mag fuel up sayo para mas galingan at pagukulan ng pansin at oras. Minsan parang LOVE lang yan, kahit ayaw ng magulang mo pero dahil gusto mo pinaglalaban mo. That's Passion.
5. Commit at Least 2 Years in doing the Business

Sa tagal ko na sa Industry madami ako kilala or nakasama ilang buwan pa lang or even araw sa negosyo nung nahirapan nag QUIT na kagad. Then ang sasabihin di daw para sa knila ang gantong klase ng negosyo. Sa aking pananaw, hindi pa nila nakikita ng buo kung gaano kaganda ang Industry natin. Kailngan nilang maunawaan ang tamang konsepto ng network marketing.
Bakit nga ba dalawang taon? Naniniwala ako na sa unang taon mong gagawin to, more on rejection, frustrations and failure ang mararanasan mo. Pero lahat ng hirap mo sa loob ng isang taon basta trinabaho mo sya ng dare daretso aanihin mong lahat yan sa susunod na taon. And lahat ng naranasan mo sa unang taong will be charge to your experience.
Mas masarap magkwento ng success kapag may kasamang hardships. tandaan mo na ang "taong walang kwento, walang kwenta" Dyan masusukat kung gaano ka ka faithful sa pangarap mo.
I hope may naishare ako sayong bago. If you think may mga kakilala ka na makakatulong sa kanila to please feel free to share and subscribe para maging updated ka sa mga susunod na training.
Happy Networking.
Comentarios