top of page

Poor Mindset vs Rich Mindset

  • gentzbergonia
  • Jul 5, 2017
  • 3 min read

What Mindset do you Have/

BAKIT ANG MAYAMAN LALONG YUMAYAMAN AT ANG MAHIRAP LALONG HUMIHIRAP?

BAKIT NAHIHIRAPAN ANG IBANG TAO SA PAGKUHA NG PANGARAP NILA?

MAY KINALAMAN BA TO SA MINDSET NA MERON SILA?

ANO NGA BA ANG MINDSET NA MERON KA?

Eto lamang ay ilan sa mga katanungan na hangang ngayon ay pilit nating hinahanapan ng sagot. Hindi ibig sabihin na POOR ay sila lamang yung mga taong walang makain at matirhan (which is included sila) but instead yung mga taong sumusunod sa traditional path ng society tulad ng estudyanteng dapat galingan sa iskwelahan para makatapos ng pagaaral at makakuha ng magandang grado at makahanap ng magandang trabaho at makaipon hangang sa magretiro.

Nakakalungkot lang isipin na applicable sya noong unang panahon pero since ang panahon ay nagbabago di na sya applicable ngayon.

Bibigyan kita ng ilang pointers kung paano magisip ang mayayaman at mahirap.

1. RICH PEOPLE ADMIRE OTHER RICH PEOPLE, POOR PEOPLE RESENT RICH PEOPLE

According sa Law of Association, sumama ka sa limang mayaman at ikaw yung magiging pang anim. Sumama ka sa limang tamad at ikaw ang magiging pang anim whether you like it or not. Ang nagiging problema nga lang sa mga taong may POOR mindset is galit sila sa mga mayayaman. Ang tingin nila sa mayayaman ay masasama ang ugali. Nakuha natin eto sa panonood ng mga telenovela na kapag mahirap ka ikaw ang bida, kapag mayaman ka ikaw ang kotrabida at nangaapi.

Importanteng matutunan mong mamili ng mga kasama na may value para makatulong sayong maimprove ang pamumuhay mo. Minsan kailngan mong baguhin pati mga makakasama mo. Walang masama maging mayaman dahil mas madami kang pwde matulungan.

2. RICH PEOPLE WANT TO BE PAID BASED ON RESULTS, POOR PEOPLE WANT TO BE PAID BASED ON THE TIME INVESTED

Ang Rich Mindset ginagamit nila ang oras nila para makapaghanap ng paraan para mag generate ng income at magtayo ng negosyong sariling kanila, while ang Poor Mindset ay binebenta nila ang oras nila para sa ibang tao. Hindi naman masama magtrabaho lalo na kung marangal at nakakabuhay ng pamilya. Ang nakakalungkot lang isipin ay nakakalimutan na natin ang sarili nating mga pangarap sa kadahilanang kulang ang ating sweldo minsan abono pa.

Your time is valuable, pero wala naman sila pakialam dyan lalo na kung di naman nila oras ang nasasayang. Always be paid based on your result. Mas masarap yung hawak mo ang oras mo at ikaw ang nagpapatakbo neto.

3. RICH PEOPLE FOCUS ON OPPORTUNITIES, POOR PEOPLE FOCUS ON OBSTACLES

Ang Rich Mindset hindi sila nag "play safe". Alam nila ang opportunity na papasukin nila as well as obstacles na kakaharapin nila pero they focus their attention more on sa opportunity na pwede nila magain. Willing silang aralin at pagtuunan ng oras ang kanilang pinapasok para mas makagawa sila ng tamang strategy. At higit sa lahat lagi silang excited sa opportunity.

While Poor Mindset focus their energy more on negative side. Masyadong puno ng duda. Yun nga lang minsan ang taong puro duda, pag tinignan mo ang buhay nila kadudaduda. Kaya nahihirapan sila kasi hindi pa man nila nagagawa ang isang bagay iniisip na kagad nila na mahirap syang gawin. Pano pag walang nangyari, pano pag di kumita, pano pag nalugi? Sa pagkakaalam ko walang tao na nagbukas ng tindahan at ang una nyang sinabi ay kelan kaya ako malulugi. Tama?

Always remember to be positive in whatever you do. Kahit na may mas magaling pa sayo ang importante ay maging positive ka at wag kang titigil sa pagkuha ng pangarap mo.

4. RICH PEOPLE THINK BIG, POOR PEOPLE THINK SMALL

If you want to make your career bigger, you must have a vision. Dapat nakikita mo ang sarili mo at least 10 years from now ano ang magiging ikaw. Minsan nagsesettle na lang tayo sa kung anong meron tayo dahil hangang doon lang ang kaya nating isipin. Minsan iniisip natin ang isang bagay na di para satin kaya napanghihinaan ka na ng loob na abutin.

Sabi nga nila shoot for the stars, kung dmo man natamaan at least malapit lapit sa knya. Minsan nakadepende din eto sa kung saan ka lumaki. Sabi nga ni Bill Gates "If you are born poor its not your mistake, but if you die poor its your mistake". Binigyan ka ng panahon para baguhin ang estado mo sa buhay pero dmo sya ginawan ng paraan.

Final Thoughts

Naniniwala ako na lahat ng taong naging successful ay dumaan sa maraming pagsubok at pagkakamali. Pero yan ang mga bagay nagpapatatag sa knila para magpatuloy kasi they learn from their mistakes.

Dalawa ang meaning ng F.E.A.R“Forget Everything and Run or Face Everything and Rise” Nasa sayo pa rin ang decision kung gagawa kaba talaga ng mga tamang actions sa buhay mo at para sa mga pangarap mo.

Happy Networking.


 
 
 

Comments


Gentz Bergonia -
Entrepreneur, Speaker & Mentor

Hi, Gentz Bergonia here and I am thankful for having you here. Thanks for checking out my blog, So this is the page where you can get to know me as well as my daily motivation that might be useful to you.

Join our mailing list

Never miss an update

  • Facebook Black Round
  • Google+ - Black Circle
  • Twitter - Black Circle

© 2023 by Walkaway. Proudly created with Wix.com

  • Facebook Black Round
  • Google+ - Black Circle
  • Twitter Black Round
bottom of page